Binasted Ako ng Isang Puti!….(My Intramuros Escapade ) Part 1

Binasted Ako ng Isang Puti!….(My Intramuros Escapade ) Part 1

(I was denied by an English Speaking Person; hurt…so I decided to write a blog in Taglish—-gusto ko lang! Hope you will enjoy this) Masyado akong excited, pumunta pa ako ng Maynila, makausap lang siya. Gumising ako ng alas 4 ng umaga …6:15 kasi ang aking appointment.Sabi ng kaibigan ko, magsuot ng magarang damit, maaring makatulong yan….

Mahaw-mahaw Festival
Mahaw-mahaw Festival

Hmmm…ano kaya ang dapat kong isuot? Mag festival costume kaya ako, gaya ng picture sa taas? Ay, sobrang bulgar….

A Dancer covered with colored clay
A Dancer covered with colored clay

Mag body paint kaya, ala Mudpack? Yikes, baka matakot siya…..

Kaya nagpasya na lang ako na isuot ang bago kong black long sleves, bagong  black sapatos…ooopps muntik ko na palang makalimutang magpantalon…luma kasi ang dala  kong hindi masyadong black na pantalon.

Pinapila kami..ang haba….may mga pinasisingit pa sa pila…sabi ko ayokong magreklamo, basta makuha ko ang kanyang ,matamis na “oo”.Ang dami pang nagraraket sa labas makakita lang ng pera….in fairness may mga reminders silang dala, lalo na ang listahan ng mga bawal..at siyempre pag may kulang ka,meron silang paninda…ang galing.Ang di ko lang gusto,medyo may kalokohang dala..sinabing dapat black ang ballpen na dala, hindi pwede ang signpen, dapat may picture talaga at mag dala ng paper clip…meron sila lahat nito…ultimong paper clip, peso isa.Ang masaklap, di pala kailangan ng picture, at ang signpen-pwede pala, at walang kailangang  picture..hehehe ang daming naloko, super excited siyempre ang lahat makuha lang ang matamis niyang “Ow-ow”. Ang daming bawal,hindi pwede ang electronic gadget, liquid drinks,deadly face-ayyy weapon pala, at marami pang iba.

Ang daming bawal,hindi pwede ang electronic gadget, liquid drinks,deadly face-ayyy weapon pala, at marami pang iba.

“Hindi ka pwede sa America!”

Sumusunod ako sa lahat na sinabi sa akin.Bitbit ko pa ang 3 makapal na clearbook na punong puno ng mga bagay para suyuin siya…dumaan sa scanner,kumuha ng number,nag hintay para tawagin para sa  sceening interview,nag finger printing  at pagkatos pinalabas uli kasi ang dami namin.

Matapos ang halos 45 minutes ahhh, sa wakas tinawag na ako….sa isip dinig na dinig ko na ko na ang (music) Hawaii -Five-O (Hawaii kasi ang gusto kong puntahan). Sweet na sweet ang aking mga ngiti,parang beauty contest, Pia Wurtsbach ang peg.Sa wakas face to face na kami…Mukha  siyang seryoso, tinanong ako, anong pakay mo doon?In english siyempre …to attend a seminar,sabi, ko.hiningi ang mga bankbooks ko, binigay ko naman, sinabi ko pa, ” that will be sponsored by the company…my hotel, plane ,food, accomodation and everything”. Sabi niya, Oh, I see.

Tinanong niya ako, you have relatives there?Siempre, honest ang Lolo niyo,  “oo” sabi ko, “sister ko nanduon, American citizen siya “…tapos kumuha siya ng blue paper at nagsulat. Sa kaloob looban ko,,,,hay 10 years sana….pero ang sinabi  niya,” I am sorry Mr. Vito, for now I feel you are not qualified.. toink!  “ANSABI????” Parang gusto ko sabihin ..Owwww? di nga! Ay humirit pa ako..”Sir, that would only be for 2 weeks, just to attend the seminar”….and he replied with a serious fish ay face pala, “here are the resons,just read”…toink! Ang reason! Hindi ko pinatunayang wala akong intensiyon na mamalagi doon..waaaaa ang lupit, ni hindi tiningnan ang dala kong guarantee at financial support letter na  galing sa sponsoring agency….waaaahuhu promise ayaw ko naman talaga mag stay doon- seminar lang…besides, Hawaii ang pupuntahan ko New Jersey ang sister ko….

Depressed…..”Mistula akong karwahing iniwanan ng kabayo.weee!”

C's at L Fisher IMG_9020

Ay masakit! Ang una kong pagkabigo sa isang puti…bumalik ako sa hotel, tumawag sa isang kaibigan, at uminom ng dalawang tasang kape with matching cheese cake. Dalawang tasa..kaya dalawang picture (wag na kayong magtanong kung bakit iba ang tasa ang nasa baba….pati ba yan po-problemahin ko pa?

Pagkatapos ng kape, uminom ako  ng biogesic–at—Diatabs, sumakit kasi ang ulo ko sa tension, sumama pa ang tyan ko! Na depressed ako ng kunti (slight lang)..hindi muna ako lumabas ng kuarto…nag text at nag email sa sponsoring agency at nagsumbong…”Waaahuhuhhu hindi ako naka pasa!!!! grrrrr!!!”..

Promise hindi po ako, drug addict , kaya hindi ko inubos ang mga kapsulang ito….

Maya maya, sumagot ang sponsoring agency, “I’m sorry to hear that, gusto mong mag reschedule?  O gusto mo Asian country kana lang ?Thailand, Isang buwan… walang Visa!”  weee,hayyy.Anyway, pwede naman akong mag Thailand anytime….pero gusto ko talaga, mag Hawaiiiiiiiii–5——o-o-o-oo-….

Thailand?…ok..di na masama.At least nabuhayan ako ng loob ng slight….sabi ko,” at least maraming elepante dun huh!”

elephant edited 1

Dahil sa kabiguan ko,sinabi ko sa aking sarili, kong ayaw niyo,di huwag! Ang dami kayang pwedeng puntahan ,…..

Hmp!.Masama ang loob ko ,kaya,di ako kakain ng kahit  anong american food ng isang linggo.Sa loob ng sang linggo di ako tititkim ng “hat dowg”, hamburjer, at lahat ng american sounding fud. At susulat ako ng isang blog ( isa lang) sa Filipino ay taglish pala.

Hmp,ang lupit nila! Samantalang super special ang treatment sa kanila dito…

Ay di bali na nga…makapunta nga sa maksaysayang Intramuros. Dun ako mag photo walk ( wag niyo ng hanapan ng tagalog ang photo walk, di ko na kaya)malapit lang siya sa hotel ko…. Ang tagal na rin bago ako nakabalik sa lugar na ito. Wala pa akong picture noon, sa totoo lang  wala pang DSLR  noong unang punta ko sa lugar,…actually, film pa ang uso noon.

intramuros, port santiago

Sa Intamuros nag enjoy ang Lolo niyo. Ang daming specialty shop,una kong pinsakuan ang isang souvenir shop….hindi naman kakaiba ang mga paninda…pero isang maskara ang umagaw sa aking pansin….”susmarya-masskara ko yan!” ang sabi ko,sabay baling sa nagbabantay sa tindahan,”ako ang may gawa niyan!..actually ako ang designer  pala,hehehe.” Kitang kita kong tumaas ang kilay ng Lola…

“Kaninong store to? Kay  Carlos  Celdran sabi niya…hay tuluyan ko nga nakalimutan ang aking pagkabigo sa isang puti…lalo na’t maya mayat maya pa…may tumawag , at ang sabi niya, pwede kang kuning consultant?”… “obs tsurs” sabi ko…hahah nakalimutan ko bigla ang aking frustrations.Pera na naman! sabi ko.

manansala shop and , celdran

Mananzan Handicrafts and Carlos Celdran Shop

Pumasok din ako sa isang paper mache store,——— siempre agaw pansin na naman ang mga paper mache (paper Mache nga d iba? Sa kanyang pintuan makikita na gad ang may ari,gumagawa talaga sa loob…di nga lang ako pinansin..ok lang…busy lang siya.gusto ko siyang puntahan at sabihan na..”gumagawa din ako ng paper mache masks noon…”

karwahe

Rarely used in the streets nowadays except in tourist spots and some rural areas, the Kalesa driver is commonly called as “Cochero” or “Kutsero”. When “Cochero” direct the horse to turn right he says “mano” and he says “silla” to direct the horse to turn left .”
A kalesa or calesa (sometimes called a karitela) is a horse drawn calash (carriage) used in the Philippines. The word, also spelled calesa, predates the Spanish conquest and descends ultimately from an Old Church Slavonic word meaning “wheels.” This was one of the modes of transportation introduced in the Philippines in the 18th century by the Spaniards that only nobles and high ranked officials could afford.

cooble stone and guardia sibil

Isang magandang feature ng Intamuros na gustong  gusto ko ay  ang mga kalesa at mga katipunero attire ng mga guardiya.   At siyempre gustong gusto ko rin ang mga daan na gawa sa tradisyonal na mga bricks.Siempre maganda sa paningin pero di lang ako sigurado pag maganda din sa puwit pag naka sakay kana sa sasakyan mo…uugggh! Especially kung meron kang “almuranas” o di kaya pag buntis ka…I’m sure sa daan pa lang labor day kana!

The Manila Metropolitan Cathedral-Basilica (also known as the Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception and informally as Manila Cathedral) is a prominent Latin Rite Roman Catholic basilica located in Manila, Philippines, honoring the Blessed Virgin Mary as Our Lady of the Immaculate Conception, the Patroness of the Philippines. Located in the Intramuros district of Manila in the Philippines. The cathedral serves both as the Prime Basilica of the Philippines and highest seat of Archbishop in the country. The cathedral has been damaged and destroyed several times since the original cathedral was built in 1581; the sixth and current incarnation of the cathedral was completed in 1958 and was consecrated as a minor basilica in 1981.

Tuloy ang lakad ko, hanggang Manila Cathedral. Ang gara ng straktura nito, katabi niya ang Palasyo del Governador na siyang tanggapan ng COMELEC ngayon. Tumuloy ako sa makasaysayang Fort Santiago…ang daming  mga turista, foriegn at local.Wow! bawat oras may dumadaan na mga bus puno ng mga bisita.

Sa labas ng Fort Santiago, maraming mga kalesang nakaparada, waring hinintay ang aking pagdating. Sa kaloob looban ko, bonggaseous! Marami na akong reason mag sour graping , “at least may kalesa dito, sa tate wala,hmp!Kaso..pasinsiya na,PhP 350 yan per 30 min,’di bali na!” ,besides kulang nga ako sa exercise (di ba?) …gusto kong maglakad ..basta!”

Mura lang naman ang entrance fee, 75  at 50 naman para sa mga estudyante. Nagsisimula ng bumuhus ang ulan.Para bang  umaayon ang panahon sa aking masakit na kabiguan sa isang puti.Dumaan muna ako sa mga souvenir shops sa gilid.

entrance of port santiago

Napadaan ako sa store na pitatakbo ng Dept of Tourism,in Fairness para nga silang nasa tourism industry talaga…mababit,sumasagot ng maayos ,kaya napilitan akong  bumili ng payong na may tatak na Intamurous.Magaling nga sila,di ako basta bumibili ng kong ano…umuulan siempre noon..wala akong choice…hahaha. Tuloy ang lakak ko, sa isang kamay hawak ko ay camera sa kabila naman ay payong.Picture dito pictyur doon..hayy gusto ko rin sanang mag pa picture.:( ang bigat kaya ng DSLR para sa selfie!

souvenir shop

Department of Tourism run Souvenir Shop

Sa wakas nakakita ako ng pagkakataon…may isang pinay at puti na mag-bf or mag-asawa na  sumisilong sa mismong gate ng Fort Santiago…”wow, perfection!” sabi ko, “pweding makisuyo? Pa pictyur lang..hehehe”….”sureness” sabi niya…siya pa ng nag direct sa akin, aba ang sabi ko..wow ,parang marunong sa DSLR, ciguro maganda ang kuha ko nito…sinabi ko pa nga sa kanya…maliit lang ako, importante ang background…at ang lumabas ay—dyaran…..-Close Up!  Di bali na nga..at least may pictyur…

photo op at port santiago

Tuloy ang photo walk ko  sa loob ng Fort Santiago, medyo creepy lang ng kunti kasi umuulan at kukunti lang nag may payong na namamasyal–isa na ako don…Masyadong descriptive ang mga naka paskil na literature (mga namatay,etc.) kaya pwede ka talagang mag imagine. Medyo natakot ako ng konti ng mapunta ako sa dungeon. Sa pangalan pa lang..hay kakaiba na..at mag isa lang ako ng panahon na yon–umuulan pa.

Naalala ko tuloy ang aking frustration sa Embassy…sa ka loob-looban,” may gusto akong ibaon ng buhay ,dito.Now na!”

Rizal Monument

Rizal Monument and Baluarte de San (Background Building). Baluarte de Santa Barbara began in 1593 as a wooden platform that protected the entrance to the Pasig River. It was rebuilt in stone with storage vaults and a powder magazine in 1599. Renovations continued into the 18th century, including the addition of a semi-circular platform

dungeon

Dungeon

Tapos na ako..time to go out…gusto ko na naman ng piktyur. May nakita akong naka uniform. “Perfect!” , sabay sabing ,” Pwedeng makisuyo?,Pakuha lang nag piktyur?” Sa isip ko wag kang magkakamaling itakbo ang camera at matitikman mo ang bangis ng isang broken hearted!

In fairness mabait naman siya. So posing na naman ang Lolo niyo. This time wala nang payong, mukha na akong turista, kung may payong kasi mukha akong naglalaku ng kong ano…   At na detect niya kaaagad ang aking illonggo accent..sabi niya “taga saan ka kuya?” Sabi ko “Negros”..”wow,taga Escalante ako, Negros Occidental”…Sabi ko na nga ba…ang mga Ilonggo kahit saan standout.Proud ako sa kabaitan ng isang to…at wag ka..nag improve na rin siya sa pag hawak ng aking camera…gumanda ang kuha hindi na blurred..lalo na nag mag piktyur ako sa isang kalesa—sharp na ang kabayo!,pero ang ang mukha ko—- Blured…(ang ganda!) Tingnan nyo ang picture ko sa baba.at least mas importante ang kabayo kesa nakasakay na nangangamoy kabayo na rin sa pawis noon… To be continued… Part 2

intramuros 1 Image00047

 CLICK HERE FOR PART 2 (wag muna hindi ko pa na edit…)

 

7 Comments

  1. funny! hahahaha

  2. in the celebration of our INDEPENDENCE DAY, am sharing this HUMOROUS TAGALOG article of mine…just for laughs!

  3. computers

    Nice Blog with Excellent information

  4. jojo vito

    Hahaha..may part 2 pa na gani..tagalog lang kay basi mabasa sang embassy ( as if may naga basa guid)…

  5. Hay naku, sana minura-mura mo ang Amerika para patunayan na wala kang ganang mamalagi doon. At mukhang mahihirapan na rin silang magbayad ng kanilang utang. At napatagalog pa tuloy ako.

    O hala, i-submit na ang proposal kay ang wawarts nagahulat na. San ka pa! 😀

  6. Hi Jo… Thanks for this article. It is so entertaining, as in, it will make
    the best “piece/entry” to the next Humorous speech contest…hahaha.
    You make my day @ 9a.m. while having my “kape” in a broken na
    baso/ coffe-break…hehehe.
    Keep writing… I am your fan…
    TmA

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CAPTCHA ImageChange Image

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.