Binasted Ako ng Isang Puti (My Intramuros Escapade) Part 2

Click here for Part 1

Contents

 

Image00004
Traffic Officer in a Katipunero Inspired Uniform

Part 2

Lumabas na ako sa Port Santiago, dinaanan  ko ang ibang pang mga “must see” sa loob ng Intramuros. Dumaan ako sa Manazan Handicrafts shop,nagbibinta sila ng samot saring mga pinoy made products. Nilakad ko uli ang palabas sa intramuros,e ano ngayon kong maglalakad…kulang nga ako sa exercise di ba?

 

Dumaan ako sa plaza Sta Isabel, ang lugar na ito ay dedicated sa mga nasawing mga non-combatants noong panahon ng Hapon.

Plazuela de Sta Isabel was made part of the Santa Isabel College which lacked an open space characteristic of Spanish buildings. Empty lot called Sampalucan along Calle Anda joined to enlarge plazuela in the 18th century. Plazuela de Santa Isabel was restored in 1983. A monument dedicated to the non-combatant victims of the last war in the Philippines was erected in February 18, 1995 by Memorare – Manila 1945

Dumaan din ako sa National  Commision  for Culture and the Arts.Akala ko nong una may entrance fee..wala pala..ang bait pa ng gurdia..halatang naka seminar sa customer interaction, at dahil feeling ko mabait siya…nagpakuha na naman ako ng pictyur..wag ka.. binigyan pa ako ng mga magazine  tungkol sa… Saludo ako sa guard nila…mabuhay sila!

“Philippine Commission on Culture and the Arts” (PCCA)

 

Inside the PCCA: There were no visitors when I visited the center. The security guard offered to take this photo…

 

Mayamaya pa nakita ko ang National Red Cross na dating kitatayuan ng  Colegio de Sta. Potenciana, ang unang colegio para sa mga babae sa Maynila na itinayo noong 1589 pero nasira noong 1645.

 

Dumaan din ako sa iba pang mga souvenir shops  tulad ng  Silahis.Historical pati ang building na kinalolouban ng Silahis,  kasi ito pala ay dating Lourdes Church and Convent.

 

Universidad ng Maynila

 

 

 

Palabas sa intramuros ay nadaan ko ang college Unibersidad ng maynila…
pagod na ako…sinabi ko total wala ng ulan aba exercise to the max na ito.(Iba talaga ang magagawa ng emotional stress—ni hindi ako nakaramdam ng gutom)…Lalakad ako patunong hotel sa Mabini…dumaan ako ng Manila hotel, icon na talaga ang hotel na to.. Nadaan ko rin ang lugar kon saan nagtatanghal of Cirque de Solie..”perfect!”, sabi ko,” nandito pa pala sila..manunuod ako mamya”.Nagtanong ako sa guard at..weeee, sold out na  ang mga ticket…wow, nagyabang pa ang mabait na guard na tinanungan ko…”ay naka panood ako sir ang ganda! Doon ako banda sa tig PhP 10,000! ..wow! sosyal ka sabi ko..sabi niya..siyempre–guardya ako!…napangiti ako,nakakatuwa.

Sa harap ng Cirque de Solie na area,andun ang Ocean Park, sabi ko dyan na lang ako papasok..kaso lang mag-isa ako..lungkot naman, di bali sa September  na lang ,may plane ticket na kami buong tribu sa bahay  pupunta kami dyan, tapos mag Negros Trade Fair kami, enchanted kindom…at— divisorya..waaaaa hahaha siyempre parti yan ng pagaka jologs ko…nandon kasi lahat ng mga supplier ko…

Habang pabalik sa hotel , nadaan ko ang Manila Museum..gusto ko sanang dumaan.Kaso lang baka mukhang nag field trip na akong mag-isa..kaya di na lang…

Balik na ako sa hotel..super pagod..wala pang free wifi ang hotel..ay mabuti pa pala ang mga hotel sa bacolod libre ang wifi..o di ba?( proud ako dyan).. Sabi ko na nga ba e..theres no place like home.Hayyy sang sarap mag sour graping, pag frustrated ka”  .

Ang una kong pagka-bigo na maka punta sa lupa ni Uncle Sam ay hindi naman katapusan ng mundo,kakainis lang—ang gastos kaya!…pero siyempre subok ako uli next time.

Samantala..magaganda naman ang Asian Countries na pweding libutin ng mura…Hayyy salamat sa mga sale tickets. Para Sa mga katulad kong hindi mayaman, ang sale seats ng mga airlines ay siyang nagbigay sa atin ng kakayahan para mag travel.Siyempre sa Pilipinas pweding mag libot –all you can.Parang buffet ang mga tourist spots, ang ganda kaya ng lugar natin…so ikot lang ng ikot, at wag kalimutan mag pa pictyur!

Kong mayrong kayong karanasan sa inyong mga biyahe na gustong i share sa aking blog, pwede nating i post ang inyong mga istorya, basta hindi lang bold, at totoo lang..have a HAPPY TRIP!

Posted by The Happy TRIP on Saturday, June 8, 2013

2 Comments

  1. Maritel Riego Ledesma

    love love these two posts Jojo! Happy Independence Day!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CAPTCHA ImageChange Image

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.